Binisita ng Regional Project Management Team (RPMT) at Project Development Monitoring Unit (PDMU) ng Department of Interior and Local Government (DILG) Region IV-A ang mga proyekto sa ilalim ng Bottom-up Budgeting (BuB) sa Calauag at Tagkawayan, Quezon noong ika-26 hanggang ika-28 ng Abril 2017.
Ang mga proyektong binisita ng grupo ay Poultry Production Free Range Chicken, Barangay Day Care Center, Protection Service Infrastructure Project, Sustainable Livelihood Project ng Calauag, Core Local Road, Extension of Seawall, Concrete Pathway with Canal, at Skills Development Program ng Tagkwayan.
Ang mga nabanggit na proyekto ay isinagawa ng mga ahensya ng gobyerno kabilang ang Department of Agriculture (DA), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Sa pamamagitan ng pagbisita at pagbalida ng mga proyekto, nakalap ng grupo mula sa mga opiyales ng munisipyo at mga benepisyaryo ng proyekto ang mga isyu, katanungan, at mga kwento kung paano nakaapekto ang mga proyekto sa kanilang pamumuhay sa kani-kaniyang komunidad.
Ayon kay Evelyn R. Rivera, isa sa mga benepisyaryo ng Skills Development Program ng Tagkawayan, malaking tulong ang programang ito sa kaniyang kabuhayan bilang isang mananahi. Sa tulong ng programang ito, nadagdagan ang kaalaman at kakayahan ni Rivera sa pananahi. Ang programang ito ay may 15 araw na pagsasanay kung saan kasama na ang lahat ng materyales para sa pananahi.
Ngayong buwan ay magkakaron muli ng pagbisita sa mga proyekto ng BuB sa bayan ng Bay, Los Baños, Luisiana, at Magdalena, Laguna, gayundin sa Laurel at Nasugbu, Batangas sa buwan ng Hunyo. —RPMT, R4A